DAvideo
alle Bilder sehen ;)
Designed by: Hinx3
OSWD 2004

Valid HTML 4.01!

for 16 July 2023 Mass | Salmo 64: Nagbunga Nang Masagana Binhi Sa Mabuting Lupa.

· 24.06.2023 · 05:15:54 ··· ··· Saturday ·· 6 (6) Rolly Ocampo 羅利
INSTRUMENTAL: https://youtu.be/MZN9w4vQWNA
Original Composition by: Rolly Ocampo 羅利
for July 16, 2023 Mass | 15th Sunday in Ordinary Time (A)
Salmo 64: 10abkd, 10e-11, 12-13, 14

SALMONG TUGUNAN: Nagbunga Nang Masagana Binhi Sa Mabuting Lupa.

1. Umuulan sa lupain, ganito mo kinalinga,/ umuunlad ang lupai’t tumataba yaong lupa;/ patuloy na umaagos ang bigay mong mga batis,/ sa halamang nasa lupa, ay ito ang dumidilig;/ ganito ang ginawa mo na hindi mo ikinait. (T)

SALMONG TUGUNAN: Nagbunga Nang Masagana Binhi Sa Mabuting Lupa.

2. Sa binungkal na bukirin ang ulan ay masagana,/ ang bukirin ay matubig, at palaging basangbasa;/ sa banayad na pag-ulan ay lumambot yaong lupa,/ kaya naman pati tanim ay malago at sariwa. (T)

SALMONG TUGUNAN: Nagbunga Nang Masagana Binhi Sa Mabuting Lupa.

3. Nag-aani nang marami sa tulong mong ginagawa,/ at saanman magpunta ka’y masa ganang-masagana./ Ang pastula’y punung-puno ng matabang mga kawan,/ naghahari yaong galak sa lahat ng kaburulan. (T)

SALMONG TUGUNAN: Nagbunga Nang Masagana Binhi Sa Mabuting Lupa.

4. Gumagala yaong tupa sa gitna ng kaparangan,/ at hitik na hitik mandin ang trigo sa kapatagan;/ ang lahat ay umaawit, sa galak ay sumisigaw! (A)

SALMONG TUGUNAN: Nagbunga Nang Masagana Binhi Sa Mabuting Lupa.


· 01.01.1970 · 01:00:00 ···
0**##
🧠 📺

· 01.01.1970 · 01:00:00 ···
# · 01.01.1970 · 01:00:00 ···
* · 01.01.1970 · 01:00:00 ···
* · 01.01.1970 · 01:00:00 ···

********