for 25 June 2023 Mass | Salmo 68: Panginoon, Iyong Dinggin Akong Iyong Ginigiliw.
· 15.06.2023 · 11:42:57 ··· ··· Thursday ·· 4 (4)
Rolly Ocampo 羅利 INSTRUMENTAL: https://youtu.be/v2YbVRubbHk
Original Composition by: Rolly Ocampo 羅利
for June 25, 2023 Mass | 12th Sunday in Ordinary Time (A)
Salmo 68, 8-10. 14 at 17. 33-35
SALMONG TUGUNAN: Panginoon, Iyong Dinggin Akong Iyong Ginigiliw.
1. Dahilan sa iyo, ako’y inaglahi,/ napahiyang lubos sa pagkaunsiyami./ Sa mga kapatid parang ako’y iba,/ kasambahay ko na’y di ako kilala./ Ang pagmamahal ko sa banal mong templo,/ matinding-matindi sa kalooban ko;/
sa akin bumagsak, paghamak sa iyo. (T)
SALMONG TUGUNAN: Panginoon, Iyong Dinggin Akong Iyong Ginigiliw.
2. At sa ganang akin, ako’y dadalangin/ sa iyo, O Poon, sana’y iyong dinggin/ sa mga panahon na iyong ibigin;/ dahil sa dakilang pag-ibig sa akin, / ang iyong pangakong pagtubos ay sundin./ Poon, sa buti mo’t pag-ibig sa akin,/
sa aking pagtawag ako sana’y dinggin,/ sa pagkahabag mo, ako ay lingapin. (T)
SALMONG TUGUNAN: Panginoon, Iyong Dinggin Akong Iyong Ginigiliw.
3. Kung makita ito niyong mga dukha,/ sila ay sasamba sa laki ng tuwa./ Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,/ lingkod na bilanggo’y di nalilimutan./ Ang Diyos ay purihin ng langit at lupa,/ maging karagata’t naroong nilikha! (T)
SALMONG TUGUNAN: Panginoon, Iyong Dinggin Akong Iyong Ginigiliw.
· 01.01.1970 · 01:00:00 ···
0**##
· 01.01.1970 · 01:00:00 ···
# · 01.01.1970 · 01:00:00 ···
* · 01.01.1970 · 01:00:00 ···
* · 01.01.1970 · 01:00:00 ···
********